literature

pagyakap sa katotohanan

Deviation Actions

hadukenzomo's avatar
By
Published:
384 Views

Literature Text

sa dugtungan ng kamusmusan
patungo sa pagyabong ng kaisipan,
inuukit ng bawat tao ang kanyang katwiran...

kung nanaisin pa,
mailalathala sa isang sanaysay
ang alon na nag-angat
at nagpalubog sa damdamin.

sanlaksang halimbawa at karanasan,
humubog,
lumikha,
nag-tala,
nag-pasaring...
hindi man lang nakatamo ng himala...

ipag-adya na at paghandaan,
bawat humihinga ay lulusong
at masusuob
sa kung minsa'y
walang saysay...

paalam sayo walang katuturan!
huwag na sanang magpangabot
ang ngiti mo sa aking pighati...
suot ko na ang baluti ng karunungan,
sadya na ang kalasag kong
magtatagal kailan pa man...
"pagyakap sa katotohanan"
embracing the truth...
i just realized that embrace is a different feeling from a hug...
the truth is relative. and these are random thoughts on how i feel about the truth...
© 2008 - 2024 hadukenzomo
Comments1
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
southpawmac's avatar
have you ever had your writings published anywhere? if not somebody out there should print you. they are missing this.

you can pass this to advocate. :D